Martes, Oktubre 29, 2013

Yaya Issues (Omg!)

I am fortunate I live in the Philippines, kasi dito hindi kasing mahal ang yaya compared sa Nanny sa States. And I guess I am lucky kasi pasok sa banga ng budget ang mag maintain ng dalawang yaya one for my Missha and one for Shams. Mas ok na rin na ganun atleast pag nasa work kami panatag akong ok ang mga anak ko kasi focussed ang mga yaya sa kanila kasi tig isa sila. (Agree?) Ang hirap kaya mag work tapos hindi ka mapakali kakaisip at kaka worry sa mga kids mo diba... kaya kahit medyo extra gastos ok nalang din kasi its for my children.

Nung Saturday, October 26 yung yaya ni Shams humingi ng off kasi uuwi daw sya sa kanila in preparation for the Barangay Elections which was yesterday October 28.  Yung yaya din ni Missha asked for yesteday off which was ok kasi karapatan nila bumoto. I had to work yesterday so Laico had to watch over the kids and he was very ok with it naman.  Normally our yaya's will come back so early mga 6:00 am kasi I also need time to get ready for work kasi 9:00am din start ko. 

This morning only one yaya arrived the new one.. the yaya of Missha.. yung yaya ni Shams hindi pa dumating.  She did not even text me to tell me hindi sya makakarating ng maaga so I called her.. sabi nya tanghali na daw sya dadating kasi late na daw sya natapos bumoto! I was like cut off was 3pm ah! Pero syempre di na ko nag taray.  After the call bigla ako nainis kasi na realize ko na hindi man lang sya nag text kagabi to tell me hindi pala sya uuwi ng maaga, or hindi man lang sya nag text at all kanina until I called her nalang... nasan na ang respeto?? To think may pasok din ako.

So sa madaling salita, yes na high blood ako ng kay aga aga.. I was so annoyed na pati si Laico nasabihan ko ng concern ko regarding yaya.. so we will have a meeting later after work (Laico and I lol) and discuss about what we should do regarding this yaya kasi imagine October 26 to October 29 sya wala.. tapos next weekend ganun nanaman..

Why rant? I love my kids ha and alam ng lahat yan how hands on I am when it comes to my kids. Pero I also work 6 days a week sa hotel and I get tired too.. sana man lang sa nag iisang rest day ko sa isang linggo wag naman nila sabayan ng off din para makapag rest din naman ako diba? Mali ba ko? May point naman ako diba?

Kaya ayun ang istorya ng init ng ulo ko kaninang umaga, sa sobrang init ng ulo ko ang dami ko nasabi na di maganda, pero talagang paguusapan na ito kailangan i-arrange ang mga day off kasi ang hirap din naman mag hire ng bagong yaya lalo na para sa bunsong anak ko pa.. it takes time to retrain pero above all a new yaya cannot win my trust overnight kaya haaay.. dilemma dilemma!!!

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento